Milyun-milyong halaga ng proyekto, dahilan ng pagsibak kay La Viña
Ipinaliwanag ng Malacañang ang dahilan sa likod ng pagsibak kay dating Social Security System (SSS) Commissioner Jose Gabriel La Viña.
Ayon kay Presidential Spokesperson Hatty Roque, humiling ng P26 milyong pondo si La Viña para sa kanyang show sa social media, ngunit hindi ito pinayagan. Humiling din ng P1.6 milyon ang opisyal para sa isang media advertising program ngunit hindi rin ito pinagbigyan.
Sinabi ni Roque na nag-request din si La Viña ng accreditation ng pitong brokers para hawakan ang investments ng SSS, pero bigo ang mga ito dahil hindi sila tumalima sa requirements.
Maliban dito, ayon kay Roque, siniraan din ni La Viña ang apat na executives ng SSS. Bagaman patuloy ang imbesitgasyon sa insidente, nagpatawag pa rin ng press conference ang sinibak na opisyal, at nagpahayag laban sa apat na exeutives.
Nagbanta naman ang Malacañang sa iba pang opisyal ng gobyerno na seryoso ito sa paglaban sa katiwalian para sa magandang pamamahala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.