China, nakikinabang sa posisyon ng Pilipinas sa usapin ng South China Sea – expert

Nakikinabang umano ang China sa malambot na posisyon ng Pilipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Ayon sa martime expert na si Jay Batongbacal, director ng University of the Philippines’ Institute of Maritime Affairs and Law of the Sea, tila maagang ipinagpapalit ng Pilipinas ang mga bagay na pabor sa bansa at dinadagdagan lang ang kahinaaan ng bayan.

Hindi anya ito mabuti dahil masyadong nakikinabang dito ang China.

Sa kabila ng paborableng desisyon ng international tribunal sa pang-aagaw ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea, nawawalan na ng access ang bansa sa pangingisda, dahilan para matigil ang petroleum exploration sa teritoryo.

Pwede anyang maging masyadong umasa ang Pilipinas sa China kung saan mawawala na ang seguridad sa enerhiya, kalayaan na maghanap at pakinabangan ang sariling resources ng bansa

 

Read more...