400 residenteng naturukan ng Dengvaxia sa Mindanao, tinututukan ng gobyerno
Minomonitor ng gobyerno ang mahigit 400 residente sa Mindanao, karamihan ay mga bata, na naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Assistant Secretary Abdullah Dumama, bagaman ang mass vaccination program ay isinagawa sa mga bata sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas, naging available rin ng Dengvaxia sa mga pribadong ospital sa Mindanao.
Sinabi ni Dumama, na dating DOH Regional director sa Davao, sa ngayon ay wala namang ulat ng pagkamatay na may kinalaman sa naturang bakuna.
Mayroon aniyang na-admit sa Zamboanga pero hindi naman namatay.
Magpapatupad aniya ang pamahalaan ng ID system para sa mga naturukan ng Dengvaxia sa Mindanao at magsisimula ito sa Davao region.
Bibigyan aniya ng ID ang mga nabakunahang residente at bibigyan ang mga ito ng prayoridad sa mga ospital kapag nagkaranas sila ng mga sintomas ng Dengue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.