Big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipinatutupad

Magandang balita!

Nagpapatupad ng big-time rollback ang ilang mga kumpanya ng langis simula ngayong araw, February 17, 2018.

Una nang inanunsyo ng Phoenix Petroleum ang kanilang bawas-singil sa presyo ng gasolina na 1.15 php kada litro, habang 1.30 php naman sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang rollback ng Phoenix Petroleum mula kaninang alas-sais ng umaga.

Samantala, epektibo naman bukas, February 18, alas-sais ng umaga ang rollback ng Petron.

P1.05 kada litro ang bawas sa kada litro ng Blaze 100 Euro 6, XCS, at Xtra Advance, habang P1.25 naman sa kada litro ng Diesel, at P1.20 ang tapyas-presyo sa kada litro ng Kerosene.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ng bawas-singil ang iba pang mga kumpanya ng langis.

Ang naturang rollback ay epekto ng pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.

 

Read more...