Pondo para sa Cash-for-Work sa Albay, ipinamahagi na ng DSWD
By Cyrille Cupino February 17, 2018 - 11:20 AM
Ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pondo sa Local Government Units o LGU sa lalawigan ng Albay para sa mga benepisyaryo ng Cash-for-Work Program ng ahensiya.
Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, ang munisipalidad ng Daraga ang unang nakatanggap ng pondo na abot sa P7,708,200 para sa kanilang 2,658 benepisyaryo, gayundin sa bayan ng Guinobatan. Ang ibang LGUs ay maaaring kunin ang kanilang tseke sa DSWD Field Office sa Legazpi City. Umaasa si Leyco na masimulan na ang Cash-for-Work anumang araw mula ngayon para magkaroon na ng source of income ang evacuees habang nanatili pa sila sa mga evacuation centers. Una nang naglaan ng pondo ang DSWD na P72 million pesos para sa short term projects ngayong buwan lamang ng Pebrero upang tulungan ang mga pamilyang apektado ng pagputok ng bulkang Mayon.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.