KZ Tandingan, regular contender na sa Singer 2018

Muling pinabilib ni KZ Tandingan ang Chinese Audience ng no. 1 show ng China na ‘Singer 2018’.

Ito ay matapos umawit si KZ ng medley ng Mandarin songs, dahilan upang masiguro niya na ang spot sa naturang kompetisyon.

Isa na siyang regular contender matapos makapasok sa top 4 bunga ng una at ng kanyang huling performance.

Sa kanyang performance kagabi, nasa ikaanim na pwesto siya sa botohan ngunit sapat na ito upang makapasok sa top 4 dahil sa pangunguna niya noong nakaraang linggo kung saan naungusan niya ang international singer na si Jessie J.

Upang maging regular contender kailangan kasi na maitala ng singer ang average ranking na hindi bababa sa ikaapat na pwetso.

Dahil dito, sa mga susunod na episode ay hindi siya basta-basta maaaring matanggal sa kompetisyon.

Maaari lamang ma-eliminate si KZ sakaling siya ang pinakamababa sa botohan.

Nauna nang ipinahayag ng singer na nais niyang umabot hanggang sa finals ng kompetisyon sa buwan ng Abril.

Read more...