Pagkalapnos ng noo ng mga deboto sa Caloocan noong Ash Wednesday, pinaiimbestigahan na

Ipinag-utos na ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano ay insidente pagkalapnos ng noo ng ilang debotong nagsimba noong Ash Wednesday.

Ayon kay David, maging sila ay nagtataka sa insidente. Tiniyak naman nitong tinutulungan ang mga nasaktan o nasugatang deboto.

Humingi rin ng paumanhin si David sa nangyari.

Samantala, ang mataas na antas ng asido sa ipinahid na abo ang nakikitang dahilan ng pagkalapnos ng noo ng ilang nagsimba.

Ayon kay San Roque Cathedral Parish Rector Fr. Jeronimo Cruz, sa paunang pagsusuri ay nakita sa chemical laboratory test na mataas pH level sa abo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...