Pastor Quiboloy kayang idepensa ang sarili – Malakanyang
Tumanggi ang Malakanyang na magkomento sa kinasangkutang isyu ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque si Pastor Quiboloy ay isang pribadong indbidwal at alam naman ng lahat na kaya niyang depensahan ang kaniyang sarili.
Bagaman sinabi ni Roque na lahat naman ng Filipino na nagkakaroon ng problema saanmang panig ng mundo ay handa naman tulungan ng mga opisyal ng consular office para matiyak na mapoprotektahan ang kanilang karapatan.
“Wala naman kaming komento dyan dahil si Pastor naman po ay isang pribadong indibidwal. Kaya naman niyang depensahan ang kaniyang sarili. Pero lahat naman ng Pilipino na nagkakaproblema ay binibigyan natin ng proteksyon sinisigurado natin na ang kanilang karapatan ay nasisiguro, lahat po ay binibigyan ng tulong ng ating consular officials,” ani Roque.
Ani Roque, wala ding reaksyon o komento ang pangulo hinggil sa lumabas na balita na sandaling nakulong si Quiboloy sa Hawaii.
Sina Quiboloy at Pangulong Duterte ay magkaibigan.
Una nang itinanggi ng kampo ni Quiboloy na ito ay nakulong sa Hawaii.
Wala rin umanong nalabag na anumang batas sa Amerika si Quiboloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.