SEC pinagkokomento ng Court of Appeals sa apela ng Rappler
Pinagsusumite ng komento ng Court of Appeals (CA) ang Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay ng pagsasawalang bisa sa registration ng online news site na Rappler.
Binigyan ng 13th Division ng CA nang 10 araw ang SEC simula noong February 7 para magsumite ng kanilang komento.
Inatasan din ng korte ang dalawang panig na ipaalam sa kanilang kung mayroong nakabinbing kaso o reklamong isinampa sa iba pang mga korte kaugnay ng naturang usapin.
Nauna nang binawi ng SEC ang registration ng Rappler noong January 11 dahil dahil sa umano’y paglabag sa Foreign Equity Restrictions in Mass Media batay sa Saligang Batas ng 1987.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.