AFP nagpadala na ng mga sundalo sa Benham Rise

By Rohanisa Abbas February 16, 2018 - 04:01 PM

Nagpadala na ng mga sundalo ang bansa para bantayan ang Benham Rise o Philippine Rise.

Dumating ngayong araw ang tropa ng Marine Battalion Landing Team 8 sa Port Irene sa sa Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa Northern Luzon command, ito ang pinakamalaking deployment ng Marines sa Cagayan Valley.

Ayon kay Northern Luzon Command Commanding General Lt. Gen. Emmanuel Salamat, maliban sa mga tropa, mayroon din silang karagdagang air at sea assets para masiguro ang regular na pagpapatrol sa Philippine Rise.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy na itaboy ang anumang foreign vessel na nagsasagawa ng pananaliksik sa llugar.

 

 

 

 

TAGS: AFP, Benham Rise, Northern Luzon Command, Philippine Rise, Sta. Ana Cagayan, AFP, Benham Rise, Northern Luzon Command, Philippine Rise, Sta. Ana Cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.