Paglilitis kay dating Major. Gen. Jovito Palparan Jr., tinapos na ng korte

INQUIRER PHOTO | JOAN BONDOC

Tinapos na ng Malolos Regional Trial Court (RTC) ang paglilitis kay dating Major General Jovito Palparan Jr. sa kaso nitong kidnapping at serious illegal detention.

Sa huling pagdinig, humarap si Palparan sa witness stand at inilahad sa korte na hindi siya sangkot sa pagkawala ng dalawang UP students sa Hagonoy, Bulacan noong 2006.

Maliban kay Palparan, nahaharap din sa nasabing kaso si Lieutenant Colonel Felipe Anotado at Master Sergeant Edgardo Osorio.

Ito ay kaugnay sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Ayon kay Prosecutor Assistant State Prosecutor JP Navera, ngayong tapos na ang proseso ng paglilitis ang susunod na hakbang ay ang paghahain ng memoranda ng magkabilang panig.

Matapos ito ay maglalabas na ng desisyon ang korte sa kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...