Pagpupulong nina Pangulong Duterte at Palau President Tommy Remengesau, naging mabunga

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2018 - 03:13 PM

Maraming napagkasunduan sina Pangulong Duterte at Palau President Tommy Remengesau nang magkita ang dalawang lider noong Huwebes.

Si Remengesau ay nag-courtesy call kay Pangulong Duterte at naganap ang kanilang pagkikita sa Davao City.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, napagkasunduan ng dalawang lider na palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa sa iba’t ibang usapin gaya ng edukasyon, maritime security at delimitation, agrikultura, at aquaculture.

Kasama ring napag-usapan ang pagpapaigting ng koordinasyon sa counternarcotics, connectivity, medical tourism at kalakalan.

Ayon kay Roque naganap ang commitment sa pagitan ng dalawang lider sa isinagawang pulong.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Harry Roque, Palau President Tommy Remengesau, Rodrigo Duterte, Harry Roque, Palau President Tommy Remengesau, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.