Malakanyang nagpa-abot ng pakikiramay sa pagpanaw ng national artist na si Napoleon Abueva
Nakiramay ang Malakanyang sa pamilya at mga kaibigan ng national artist na si Napoleon Abueva.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi matatawaran ang naiambag ni Abueva sa larangan ng sining na hindi malilimutan ng mga Filipino.
Maaalala aniya si Abueva bilang pinakabatang Filipino na naging National Artist na siyang nagbigay-daan para makilala ang talento ng mga Pinoy sa global art scene lalo pa at ang kaniyang mga likha ay nasa iba”t ibang museum hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ang 88-anyos na si Abueva ay pumanaw sa National Kidney and Transplant Institute, Biyernes ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.