2 patay sa karambola ng mga sasakyan sa Isabela

Patay ang dalawang katao makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa national highway sa lalawigan ng Isabela.

Sangkot sa aksidente ang tatlong 10-wheeler trucks at isang tricycle.

Ayon sa hepe ng Gamu police na si Chief Insp. Richard Limbo, naganap sa Barangay Upi.

Kabilang sa mga nasawi sina Michael Sanchez, 38 anyos at isang project contractor; at Crismel Delos Santos, 40 anyos.

Sakay ng tricycle ang dalawa na naipit sa pagitan ng dalawang 10-wheeler truck.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...