Lalaki arestado matapos i-post sa FB ang ninakaw na tablet

Arestado ang isang lalaki makaraang i-post sa kaniyang Facebook account ang bagay na kaniyang ninakaw.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, Lucena police chief, unang dumulog sa kanilang ang biktimang si Chris Ivan Caligagan, 19 anyos makaraang makita umano niya ang kaniyang nawawalang tablet na naka-post sa Facebook.

Ayon kay Caligagan, nakita niya ang kaniyang Huawei tablet sa Facebook account ng isang John de Torres, 34 anyos at resdiente ng bayan ng Candelaria.

Sinubukan pa umanong tawagan ni Caligagan si De Torres para pakiusapan itong ibalik ang kaniyang gadget pero hiningan umano siya nito ng P3,800.

Doon na humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na nagkasa naman agad ng entrapment operation para madakip ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...