Halos 38,000 pamilya naapektuhan ng bagyong Basyang
Nasa 38,000 pamilya na ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Basyang sa Visayas at Mindanao.
Ito ay base sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang mga apektadong pamilya na binubuo ng 154,037 indibiduwal ay mula sa Regions 6,7,8 at Caraga.
Nabatid na sa bilang ng apektadong pamilya, higit sa 10,000 ang namamalagi sa 217 evacuation centers.
May 66 na bahay ang nasira ng bagyo at 284 pa ang bahagyang napinsala.
Samantala, nasa P3 milyon ang halaga ng naibigay na tulong ng DSWD sa mga naapektuhan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.