WATCH: Panibagong batch ng distressed OFW mula Kuwait, dumating ng bansa

By Erwin Aguilon February 16, 2018 - 12:57 PM

Inquirer.net Photo | Dexter Cabalza

Nakarating na sa bansa ang panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na galing sa Kuwait.

Pasado alas 9:00 ng umaga ng dumating sa NAIA ang Philippine Airlines flight PR 669 lulan ang 113 na OFWs.

Sila ay sinalubong ng mga opisyal ng OWWA, DOLE, POEA, DSWD at MIAA.

Sinagot naman ng OWWA ang pamasahe ng mga OFW pauwi sa Pilipinas at sa kanilang mga lalawigan.

Bukod dito, bibigyan din sila ng P25,000 na cash at livelihood assistance.

Kabuuang 2,229 mga OFW sa Kuwait ang nagpahayag na nais na nilang umuwi ng Pilipinas subalit 1,754 ang nabigyan ng immigration clearance.

Mula nang magsimula ang repatriation ng mga OFW sa Kuwait noong buwan ng Pebrero ay umabot na sa 2,181 ang nakauwi.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOLE, kuwait, Overseas Filipino Workers, OWWA, philippine airlines, DOLE, kuwait, Overseas Filipino Workers, OWWA, philippine airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.