Umano’y tagong yaman ni Pangulong Duterte, pinaiimbestigahan na ni Senator Trillanes sa Senado
Muling nanawagan si Senator Antonio Trillanes IV sa senate committee on banks na imbestigahan ang umanoy tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos sabihin ng Office of the Ombudsman na ang tanging dahilan ng pag-terminate ng plunder case laban sa pangulo ay ang pagtanggi ng Anti-Money Laundering Council na makipagtulungan at hindi pagsumite ng detalyadong bank transactions ni Pangulong Duterte.
Dapat anyang tandaan na ang executive director ng AMLC na si Mel Georgie Racela ay itinalaga ni Duterte at pinoprotektahan umano nito ang kanyang ‘political master’.
Sa ngalan ng transparency at accountability, nanawagan ang senador sa naturang komite na mag-imbestiga para maipatawag ang AMLC at makuwestyon ang ligalidad ng pagtanggi nito na sundin ang hiling ng Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.