Tumangap ng full scholarship mula sa Commission on Higher Education (CHED) si Camille Anne Arnaiz, kapatid ni Carl Angelo Arnaiz na biktima ng shootout sa Caloocan City.
Iniabot ni CHED Officer-In-Charge Popoy De Vera ang certificate of educational coverage kay Camille sa Central Office ng CHED sa Quezon City.
Target ni Camille na kumuha ng kursong Business Administration sa isang Unibersidad sa Metro Manila.
Una nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya Arnaiz na pagkakalooban sila ng employment at educational assistance matapos ang sinapit ni Carl Angelo.
Ayon kay De Vera, si Camille ay sakop ng CHED Student Financial Assistance Programs simula ngayong taon hanggang sa matapos niya ang kanyang pag-aaral.
MOST READ
LATEST STORIES