LOOK: Ilang lansangan sa QC at Caloocan, sasailalim sa repair ngayong weekend

By Erwin Aguilon February 16, 2018 - 09:24 AM

Isasara simula mamayang alas-11:00 ng gabi ang pitong pangunahing lansangan sa pagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DOWH) ang pagkumpuni at reblocking sa Metro Manila.

Ayon kay DPWH-National Capital Region Director Melvin B. Navarro, isasailalim sa repair and reblocking ang anim na major roads sa northbound direction ng Quezon City kabilang na ang mga sumusunod:

• Outer lane ng Visayas Avenue sa harap ng Department of Agriculture (DA)
• 5th lane sa EDSA, sa pagitan ng Landers Street hanggang Howmart
• 1st lane sa Congressional Avenue Extension kanto ng Tandang Sora Avenue
• 3rd lane sa Congressional Avenue mula sa EDSA hanggang Cagayan Street
• inner lane sa Quirino Highway mula sa T. Urbano hanggang Pagkabuhay Road
• middle lane ng A. Bonifacio Avenue mula Calavite Street hanggang Mariveles Street
• middle lane, southbound direction ng A. Bonifaco Avenue, patawid ng Sgt. Rivera

Magsasagawa rin ng repair northbound direction ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong langsang upang maiwasan ang matinding trapiko sa mga ginagawang kalsada.

Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga nasabing lansangan sa Lunes, 5:00 ng umaga.

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, road reblockings, road repair, Radyo Inquirer, road reblockings, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.