Halos 14,000 katao naserbisyuhan na ng Passport on Wheels ng DFA

Sa unang isang buwan na pagpapatupad ng Passport on Wheels program ng Department of Foreign Affairs (DFA) umabot na sa halos 14,000 ang naserbisyuhan.

Ito ay mga residente ng walong lungsod at anim na munisipalidad sa bansa.

Sa datos ng DFA, sa Metro Manila nakabisita na ang Passport on Wheels sa Caloocan City, Marikina City, Maynila, Las Piñas City at Muntinlupa City.

Habang sa mga lalawigan, ang Passport on Wheels ng DFA ay nakarating na sa Iba, Zambales; Capas, Tarlac; Angeles City, Pampanga; Bocaue, Bulacan; San Jose Del Monte City, Bulacan; Baliuag, Bulacan; Cainta, Rizal; Biñan City, Laguna at Bay, Laguna.

Payo naman ng DFA sa publiko, palagiang bisitahin ang online appointment sa kanilang website.

Ito ay upang makita kung may bagong bukas na mga slot para sa mga nais magpa-schedule ng passport processing.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...