Hollywood couple Jennifer Aniston at Justin Theroux, maghihiwalay na

Makalipas ang halos tatlong taon lang na pagsasama bilang mag-asawa, maghihiwalay na sina Jennifer Aniston at Justin Theroux.

Ang 49-anyos na si Aniston at si Theroux 46-anyos ay ikinasal noong August 2015 sa pamamagitan ng isang secret ceremony sa Los Angeles.

Sa joint statement ng dalawa, inanusyo ang kanilang paghihiwalay at sinabing mutual ang kanilang naging pasya.

Wala namang binigay na dahilan ang Hollywood couple sa kanilang paghihiwalay pero noong pa anilang nakaraang taon nila ito pinag-usapan.

Nakasaad din sa statement na nananatili silang matalik na magkaibigan.

Si Aniston ay naging asawa rin ni Brad Pitt pero nauwi sa divorce ang kanilang pagsasama.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...