Filipino-Chinese, arestado sa buy-bust operation sa Maynila
Sa kulungan nagdiwang ng Chinese New Year ang isang lalaking Filipino-Chinese matapos itong maaresto sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police
District (MPD) Station 5 sa panulukan ng Roxas Boulevard at Katigbak Street.
Kinilala ang suspek na si Rodel Ng, 27 taong gulang.
Ayon kay Police Superintendent Emerey Abating, nanggaling ang impormasyon
tungkol sa pagtutulak ng iligal na droga ni Ng sa isang confidential informant.
₱30,000 halaga ng apat na sachet ng shabu ang narekober mula sa suspek.
Depensa nito, dala ng pangangailangan ang kanyang pagbebenta ng droga.
Aminado rin si Ng na gumagamit rin siya ng shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.