2 arestado sa buy-bust sa Pateros

By Justinne Punsalang February 16, 2018 - 07:32 AM

Photo: Justinne Punsalang

Arestado ng mga tauhan ng Pateros Police ang dalawang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sta. Ana.

Kinilala ang mga suspek na sina Alberto Mariano Cecilio at Ricky Becta Lacson.

Habang nakakalaya naman hanggang sa ngayon ang pangunahing target ng operasyon na si Betty Ofiana.

Ayon sa mga otoridad, agad na tumakas si Ofiana matapos ang transaksyon kung saan narekober ng mga otoridad ang isang plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad si Ofiana.

Habang ang lahat ng mga naarestong suspek sa Maynila at Pateros ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust operation, drugs, War on drugs, buy bust operation, drugs, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.