Suspek sa Florida High School shooting, nakapag-mall at fast food pa, matapos ang pamamaril

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2018 - 07:13 AM

Matapos maisagawa ang pamamaril sa isang eskwelahan sa Parkland, Florida, nagawa pang dumaan sa mall at fast food ng 19-anyos na gunman na si Nikolaus Cruz.

Ayon sa timeline na inilabas ng Broward County Sheriff, alas 2:19 ng hapon nang bumaba ng Uber car si Cruz sa harap ng paaralan.

Makalipas lang ang dalawang minuto o alas 2:21 ng hapon ay nakapagsimula na itong mamaril.

Mula sa 1st floor umakyat ang suspek hanggang 3rd floor habang namamaril.

Nang lumabas ng eskwelahan, dumeretso pa ang suspek sa Walmart at bumilli ng maiinom sa Subway at pagkatapos ay dumeretso sa isang branch ng McDonald’s.

At nang makaalis ng McDonald’s ay doon na siya naaresto ng mga pulis habang siya ay naglalakad.

Sinampahan na ng 17 bilang ng kasong premeditated murder si Cruz.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Florida Shooting, gun control, high school, Nokilaus Cruz, Parkland Florida, Florida Shooting, gun control, high school, Nokilaus Cruz, Parkland Florida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.