Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakaisa sa pagitan ng mga Chinese at Pilipino, bilang bahagi ng kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
Maliban dito, binigyang pansin din ng pangulo ang makulay at matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at China na malaki ang naiambag sa mayamang kultura ng bansa.
Ang kasaysaysan din aniya ng Pilipinas at China ang naging ugat ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa na nagpatibay sa pundasyon ng patuloy na paghahangad ng economic development.
Dagdag pa ng pangulo, nawa’y maging daan ang pagdiriwang na ito sa lalong pagtibay ng “solidarity and goodwill” sa pagitan ng mga Chinese at Pilipino.
Naniniwala naman si Duterte na patuloy na magkakaroon ng malaking papel ang mga Chinese-Filipinos sa paghubog ng national identity ng Pilipinas at pagsusulong ng kagandahan ng diversity sa ating mga kultura.
Umaasa din si Duterte na magdala ng mas maraming oportunidad sa pag-unlad at pagtatagumpay para sa lahat ang Lunar New Year.