Suspect sa Florida school shooting, miyembro ng white supremacist group

By Jay Dones February 16, 2018 - 03:42 AM

 

Ibinunyag ng isang white supremacist group na miyembro nila ang 19-anyos na suspect sa walang habas na pamamaril sa loob ng isang high school sa Florida, USA kahapon.

Sa panayam ng Associated Press kay Jordan Jereb, nagpakilalang pinuno ng grupong ‘Republic of Florida’ na kasapi ng kanilang samahan ang gunman na si Nikolas Cruz.

Bagama’t hindi niya aniya personal na kilala si Cruz, sinabi ni Jereb na malimit itong lumalahok sa kanilang mga ‘paramilitary drills’ sa Tallahasee.

Gayunman, iginiit nito na walang kinalaman ang kanilang samahan sa naging aksyon ni Cruz nang walang habas itong mamaril sa loob ng Marjory Stoneman Douglas High School sa Parkland na ikinasawi ng 17 katao.

Giit ng lider, ang ginawa ni Cruz ay sarili nitong desisyon at hindi sangkot ang kanilang samahan.

Pangunahing hangarin aniya ng kanilang grupo ay ang maituring na isang white-ethno state ang Florida.

Bagamat nagsasagawa sila aniya ng mga biglaang demonstrasyon, ay umiiwas naman silang makisalamuha sa ‘modern world’.

Hinala naman ni Jereb, posibleng may kinalaman ang selebrasyon ng Valentine’s Day sa pagsalakay at pamamaril ni Cruz sa paaralan.

Sinasabing isang babaeng estudyante na nag-aaral sa paaralan kung saan na-expel si Cruz ang dahilan ng pamamaril nito bagamat’ hindi pa ito wala pang kumpirmasyon ukol dito ang mga otoridad.

Sa pinakahuling update, sinampahan na ng 17 kaso ng premeditated murder si Cruz.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.