Bong Go, kukumbinsihin ni Alvarez na tumakbong senador
Hihimukin ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa 2019.
Sa isang talumpati, sinabi ni Alvarez na nais niyang pasalihin si Go sa ruling party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Ito’y sa kabila ng nauna nang pagpapahayag ni Go na wala siyang interes na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno dahil “committed” siya sa pagsisilbi kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi pa ni Go na iniaalay niya ang kaniyang buhay sa pagsisilbi sa pangulo, “til kingdom come.”
Si Go ay nagsimulang manilbihan kay Duterte mula pa noong 1998.
Samantala, nabanggit naman ni Alvarez na kabilang sa mga nais niyang gawing senatorial candidates ay sina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Maguindanao Rep. Sajid Mangudadatu at Negros Occidental Rep. Albee Benitez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.