Nakabalik na sa Pilipinas ang lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy matapos makulong nang halos isang araw sa Hawaii.
Matatandaang hinuli ng mga otoridad ng Hawaii si Quiboloy matapos makitaan ng daan-daang libong dolyar ang sinakyan niyang private plane.
Dumating si Quiboloy pasado alas-6:00 ng gabi ng Huwebes sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 (NAIA-1) sakay ng isang commercial flight.
Pinaiwan kasi sa Hawaii ang private plane ni Quiboloy na sinasabing nagkakahalaga ng US$15 milyon, dahil ginagawan ng paraan ng mga otoridad na makumpiska ito.
Samantala, tumanggi naman nang mag-komento si Quiboloy tungkol sa kaniyang pagkaka-detine.
Maliban sa pera, nakitaan din ng mga piyesa ng armas ang nasabing private plane ni Quiboloy, na napag-alamang pumunta sa Hawaii para sa isang concert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.