Reward sa makakapatay sa NPA, dinagdagan ng pangulo

 

Mula sa 20,000 piso, ginawa nang 25,000 piso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya sa sinumang makakapatay sa miyembro ng New People’s Army o NPA.

Ayon sa transcript ng naging pakikipagpulong ng Pangulo sa Cebu City na ipinamahagi sa media, sinabi ng pangulo na mas makakatipid pa ang gobyerno sa ganitong paraan.

Paliwanag pa ni Duterte, kanyang kinwenta kung magkano ang gagastusin ng pamahalaan sa counter-insurgency campaign nito sa loob ng apat na taon.

At lumitaw aniya na mas makakamura kung maglalagay na lamang ng reward ang pamahalaan sa bawat ulo ng mga rebeldeng hindi pa rin sumusuko o nagbabalik-loob sa gobyerno.

Read more...