Mga responsible sa palpak na operasyon ng MRT, kikilalanin sa Senado
Papangalanan na ng committee on public services na pinangungunahan ni Sen. Grace Poe ang mga opisyal na responsable sa kapalpakan ng serbisyo ng MRT3.
Ayon kay Sen Poe, sa susunod na hearing ay iisa-isahin nila ang mga opisyal ng pamahalaan na dapat managot kaya nagdudusa ngayon ang mga commuters ng MRT3.
Giit ni Poe, may ilang sangkot sa anomalya at korapsyon ang sa mga opisyal at ang ilan ay dapat managot dahil sa kapabayaan.
Samantala, umapela naman si Poe sa publiko na pagbigyan hanggang Marso ang DOTR para tuparin ang ipinangako maiaayos ang serbisyo ng MRT3 dahil na rin sa pagdating ng mga inorder na spare parts ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.