Bukas ang Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso laban sa gyera kontra iligal na droga.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, handa silang magsumite ng mga datos kaugnay ng kampanya kung papayagan ng mga matataas na opisyal.
Dagdag ni Bulalacao, kokonsultahin din ng PNP ang legal experts ng bansa, gaya ni Solicitor General Jose Calida bago magbigay ng impormasyon sa ICC.
Nagsasagawa ng preliminary examination ang ICC sa gyera ng bansa kontra droga.
Kaugnay ito ng kasong isinampa ng abogadong si Jude Sabio na inakusahan si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng crimes against humanity sa ilalim ng naturang kampanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.