Bukas ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa pagkakatalaga sa kanilang Executive Minister na si Eduardo Manalo bilang Presidential Envoy for Overseas Filipino Concerns.
Ipinahayag ng INC na nagpapasalamat sila kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtitiwala kay Manalo.
Ang pahayag ng INC ay inilabas sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Bro. Edwil Zabala.
Narito ang bahagi ng pahayag ng INC, “Ang buong kapatiran ng Iglesia Ni Cristo ay kaisa ng Ka Eduardo na tutulong sa mga kababayan natin nasaan man po para sa kanilang kapakanan. Kagaya po ng inilunsad na programa ng Ka Eduardo noon pa, ang “Kabayan Ko, Kapatid Ko”–sa abot ng ating makakaya ay lilingap tayo sa mga kababayan natin nasaan man sila.”
Kasabay nito, nangako ang religious group na tutulong din sa mga overseas Filipinos.
Nilagdaan ni Duterte ang appointment paper ni Manalo noong February 13.