Ilang lokal na opisyal sa Aklan iimbestigahan dahil sa pagdumi ng Boracay

By Rohanisa Abbas February 15, 2018 - 04:00 PM

Inquirer file photo

Iniimbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang posibleng pananagutan ng mga lokal na opisyal sa Aklan sa umano’y krisis sa Boracay.

Ipinahayag ni DILG Secretary Eduardo Año na inilunsad na nila ang imbestigasyon dahil dapat ay mahigpit na ipinatupad ng mga opisyal ang environmental law sa nasabing tourist spot.

Kinuwestyon ni Año ang pagpayag ng local government units sa pagtatayo ng mga struktura sa forest lands.

Nagbabala ang kalihim na sasampahan nila ng kasong administratibo at kriminal ang mga opisyal batay sa mga ebidensyang makakalap.

Tiniyak ni Año na pinabibilis nila ang imbestigasyon.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, hindi bababa sa 50 establishemento sa Boracay ang binigyan ng notice dahil sa paglabag sa water treatment laws.

Una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang naturang tourist spot kapag hindi nalinis sa loob ng anim na buwan.

TAGS: aklan, año, boracay, cimatu, DILG, Malay, aklan, año, boracay, cimatu, DILG, Malay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.