Motion to defer presentation of evidence sa plunder case ni dating Sen. Bong Revilla, ibinasura ng Sandiganbayan

By Mark Makalalad February 15, 2018 - 11:53 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 1st division ang mosyon na inihain ng kampo ni dating Senador Bong Revilla na humihiling na maipagpaliban ang kanilang pagpipresenta ng ebidensya.

Ngayon sana ang unang araw para sa panig ng depensa na mag-presenta ng ebidensya sa korte para sa plunder case na kinakaharap ng dating senador dahil sa maanomalyang PDAF scam kasama ang mga kapwa akusadong sina Janet Lim Napoles at kanyang dating chief of staff na si Richard Cambe.

Gayunman, hindi pa handa ang kampo ni Revilla para sa presentation of evidence at sa halip nais nilang hintayin na lamang muna ang aksyon ng Korte Suprema sa hinihingi nilang temporary restraining order.

At dahil hindi handa, kinansela na lamang ang apat na araw na magkakasunod na pagdinig na para sana sa presentation of evidence ng depensa, ito ay ang pagdinig ngayong araw, Feb. 15, at ang mga pagdinig sa Feb. 20, 22 at 27.

Kahit kanselado na ang apat na magkakasunod na pagdinig, babawasan pa rin ng 4-days ang 60 trial days ng senador dahil sa pagbasura ng korte sa kaniyang mosyon.

Itinakda naman sa March 6 ang susunod na pagdinig sa kanyang kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bong Revilla, PDAF, Plunder case, sandiganbayan, Bong Revilla, PDAF, Plunder case, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.