MPD naglabas ng traffic advisory sa pagsalubong sa Chinese New Year

INQUIRER FILE PHOTO

Nagpalabas na ng rerouting para sa mga sasakyan ang Manila Police District (MOD) sa harap na rin ng selebrasyon ng Chinese New Year bukas, Pebreo 16.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ipatutupad ang re-routing sa ilang lugar sa Binondo, Maynila na sentro ng pagdiriwang ng mga Chinese sa kanilang Bagong Taon.

Sabi ni Margarejo, mamayang alas-11 ng gabi ay isasara ang Reina Regente Street sa Binondo Manila, magmula Soler Street papuntang Plaza Ruiz.

Lahat aniya ng mga sasakyan na nagmumula sa Jose Abad Santos Street ay kailangang kumaliwa sa Claro M. Recto patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga sasakyang galing Jones Bridge ay kailangang kumanan papuntang Ongpin Street o kaya dumiretso papuntang Juan Luna Street patungo sa kanilang destinasyon.

Lahat ng sasakyan na daraan sa Eastbound ng Soler Street patungong Plaza Ruiz ay pinakakaliwa papuntang Reina Regente, diretso sa Arranque Market hanggang sa makarating sa pupuntahan.

Ang mga sasakyan na tatahak sa Westbound ng Soler Street papuntang Plaza Ruiz ay dapat na kumanan sa Reina Regente papunta sa kanilang destinasyon.

Layon ng mahigpit na seguridad na protektahan ang pagdiriwang ng Chinese New Year upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa naturang selebrasyon na kinabibilangan ng Chinese ambassador, Manila mayor Joseph Estrada at mga imbitadong miyemrbo ng diplomatic corps.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...