Operasyon ng P2P bus, palalawakin pa

DOTr Photo

Mas dadami pa ang transport options ng Point to point bus service bilang tulong sa operasyon ng MRT 3.

Magdaragdag kasi ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dalawang trips ng P2P sa rush hour ng umaga at gabi sa Northbound.

Pinulong ng dalawang ahensya ang mga operator ng iba’t ibang bus company para makuha ang kanilang commitment na maglalaan sila ng hindi bababa sa 60 buses para sa MRT 3 P2P bus project.

Sa ngayon kasi ay umaasa lang ang transport authorities sa mga operators na nagvo-volunteer ng kanilang mga unit para sa bus project.

Ayon kay TJ Batan, Transportation Undersecretary for Rails, kapag nagkaroon na ng 60 na P2P buses, aabot sa 3,360 passengers ang garantisadong mabibigyan ng mgandang serbisyo at makakaabot sa kanilang destinasyon sa tamang oras.

Sa kasagsagan ng rush hour sa umaga, kukuha pa rin ng mga bus sa mga pasahero ng MRT sa North Avenue at Quezon Avenue stations.

Titiyakin din na ang 60 buses ay magkakaroon ng second trip para sa mga pasahero.

Para naman sa rush hour sa gabi, sinabi ni Batan na ide-deploy ang mga bus sa Taft Avenue at Ayala Avenue.

Samantala, dahil sa kakulangan ng espsayo sa Taft Avenue, tinitignan din ang Macapagal Avenue bilang posibleng staging area.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...