Batay sa abiso, ang pinakamalalang sitwasyon ng traffic ay mararanasan sa pagitan ng alas 2:00 hanggang alas 5:00 ng hapon dahil ang lungsod ang magsisilbing host para sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na kauna-unahan ngayong 2018.
Sa pahayag ng Quezon City-NSED Incident Management Team sa sandaling tumunog ang hudyat para sa pagsisimula ng drill, ititigil pansamantala ang daloy ng traffic.
Bahagi ng magiging scenario ang paglilikas sa mga taong nasa Quezon City Hall at iba pang government buildings sa Elliptical Road at dadalhin sila sa Quezon Memorial Circle.
May mga itatalaga ring emergency vehicles, heavy equipment, at mga truck.
Sa Eastwood City sa Libis at komunidad sa palibot nito, magkakaroon din ng massive evacuation drill.
Ang mga kunwaring masusugatan sa drill ay dadalhin sa Quezon City General Hospital sa Project 8.
Inaasahang makikiisa sa dril ang mga paaralan, mall at iba pang establisyimento sa lungsod.