DILG, nagpaalala sa mga baranggay na magsumite ng kanilang annual reports sa paggamit ng SK funds

Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government sa mga barangay na isumite ang kanilang annual reports kaugnay sa paggamit ng Sangguniang Kabataan funds bago ang Marso 15 ngayong taon

Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, dapat matiyak na ang pondong inilaan para sa SK ay ginugol ng tama at para sa benepisyo at kapakanan ng mga kabataan.

Nakasaad sa guidelines ng Allocation and Utilization of SK Funds na inisyu ng Commission on Elections noong 2017, ang 10% ng general fund ng mga barangay na inilaan para sa SK ay gagamitin lamang para sa youth development at empowerment programs hanggang sa ang bagong hanay ng mga opisyal ng SK ay maihalal.

Nakapaloob din sa guidelines na ang SK funds ay dapat inilaan din para sa “Mandatory Training” at “SK Pederasyon Elections”.

Maaaring idaan ng mga barangays ang pagsusumite nila ng report sa DILG sa National Barangay Operations Office at copy furnished sa National Youth Commission.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...