Canadian national arestado sa NAIA matapos mahulihan ng marijuana

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2018 - 09:35 AM

Arestado ang isang Canadian makaraang magtangkang magpuslit ng marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakuha mula sa suspek na si Gary Gentles ang marijuana na inilagay nito sa isang bote.

Pasakay sana si Gentles ng flight paalis ng bansa nang tumanggi itong ilabas ang bote at itinago pa sa kaniyang bulsa.

Pero nang makita na ng mga otoridad ang laman ng bote, ikinatwiran ng dayuhan na ginagamit niya ang marijuana para gamutin ang kaniyang Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

Nai-turnover na sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang dayuhan.

Sasailalim ito sa inquest proceedings at mahaharap sa kasong may kaugnayan sa transport and possession of illegal drugs.

 

 

 

 

 

TAGS: canadian national, Marijuana, NAIA, Radyo Inquirer, canadian national, Marijuana, NAIA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.