Tatlong truck nagkarambola sa C5 road, sa Quezon City

By Mark Makalalad February 15, 2018 - 08:56 AM

Courtesy of Brgy 471 zone 46

Nagkarambola ang tatlong truck sa C5 road, Libis sakop ng Barangay Bagumbayan, Quezon City bago mag alas-12:00 ng hatinggabi.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang isang driver na si alyas Lester matapos maipit sa minamaneho nito.

Ayon kay Marvin Solare, pahinante ng truck, tinatawid nila ang southbound ng C5 Road ng nawalan sila ng preno at bumangga sa truck na nasa harapan nila.

Sa bilis ng takbo, umabot pa ang impact ng banggan sa sumunod na truck na nakahinto dahil naka pula ang traffic signal.

Wasak ang harapan nang nakabanggang truck na halos hindi na makita dahil sa sobrang pagkayupi.

Samantala, nagdulot naman ng bahagyang pagbabara sa daloy ng trapiko ang nangyaring aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: C5, libis, quezon city, truck, C5, libis, quezon city, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.