4 na drug suspects, arestado sa buy-bust operation sa Makati

Sa kulungan ang bagsak ng apat na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Ponte St. Brgy. Tejeros, Makati City kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Willy Sabanal, 57 taong gulang; Erwin Arnaiz, 35 taong gulang; Ricardo Fajilan, 30 taong gulang; at Ronnie Almine, 33 taong gulang.

Ayon sa Makati Police Station Drug Enforcement Unit, nagpanggap ang kanilang mga operatiba na bibili ng P500 halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Nang magkaabutan na ng illegal na droga at pera ay agad silang inaresto.

Sa kabuuan, nakuha sa kanila ang 5 pakete ng hinihinalang shabu, aluminum foil at lighter.

Mahaharap ang mga suspek reklamong paglabag sa RA 9165.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...