WATCH: Buong Kuwait, shock at galit sa sinapit ng OFW na si Joanna Demafelis
Bago iuwi ng bansa bukas, dinalaw pa ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang mga bali ni Joanna Demafelis. Ang OFW na natagpuang patay sa loob ng freezer sa isang apartment unit sa Kuwait.
Nagtungo sina Ambassador to Kuwait Rene Villa sa Al-Sabah Hospital mortuary upang tiyaking handa na ang lahat para sa repatriation ng mga labi ng 29-anyos na Pinay.
Muli ring nakausap ni Villa ang mga opisyal ng Ministry of Interior ng Kuwait at tiniyak sa kanila na sisikaping mahuli ang Lebanese na gumawa ng krimen pati na ang Syrian niyang asawa.
Ani Villa, ang sinapit ni Demafelis ay ikinagulat ng buong Kuwait, at maging ang mga mamamayan doon ay matindi ang galit sa insidente
Ayon kay Villa, bukas, araw ng Biyernes, alas 11:00 ng umaga oras sa Pilipinas ang dating ng mga labi ni Demafelis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.