Ayon kay Broward County Sheriff Scott Israel, kabilang sa mga nasawi ay mga estudyante.
Labingdalawa sa mga ito ay natagpuan sa loob ng isang gusali sa paaralan, dalawa ang nasa labas ng gusali, isa ang nakita sa compound at dalawa naman ang nasawi sa ospital.
Ang suspek na si Nikolaus Cruz, 19 anyos at dating estudyante ng paaralan ay napag-alaman ng mga otoridad na napatalsik matapos mapatawan ng disciplinary action.
Nakuha sa kaniya ang isang baril at maraming magazines.
November 18, 2016, nakita pang nag-post ang suspek sa kaniyang Instagram Account na siya ay may hawak na baril.
Ilang estudyante pa ang nakapag-post ng video sa kanilang Instagram habang nagaganap ang pamamaril.
Sa video na ibinahagi sa twitter ng netizen na may account name na ‘Cyanide’, makikita ang mga estudyante na pawang nakaupo, nakadapat at nakukubli sa loob ng isang silid aralan.
Dinig na dinig sa video ang magkakasunod na putok ng baril at hiyawan ng mga takot na takot na mag-aaral.
Shooting at Marjory stoneman Douglas high school not even a hour ago.. prayers go out to everyone in the school pic.twitter.com/9n8bx2Vp4F
— cyanide. (@Tezlurkss) February 14, 2018
Hoy Tiroteó En La Escuela; today school shooting #stonemandouglas #parkland 😢☹️
A post shared by Alex Navas (@alex_navas65) on Feb 14, 2018 at 2:07pm PST