BREAKING: 17 patay sa pamamaril sa loob ng isang eskwelahan sa Florida

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2018 - 07:56 AM

Labingpito na ang naitalang nasawi sa pamamaril ng isang 19 anyos na lalaki sa Stoneman Douglas High School sa Parkland, Florida.

Ayon kay Broward County Sheriff Scott Israel, kabilang sa mga nasawi ay mga estudyante.

Labingdalawa sa mga ito ay natagpuan sa loob ng isang gusali sa paaralan, dalawa ang nasa labas ng gusali, isa ang nakita sa compound at dalawa naman ang nasawi sa ospital.

Ang suspek na si Nikolaus Cruz, 19 anyos at dating estudyante ng paaralan ay napag-alaman ng mga otoridad na napatalsik matapos mapatawan ng disciplinary action.

Nakuha sa kaniya ang isang baril at maraming magazines.

November 18, 2016, nakita pang nag-post ang suspek sa kaniyang Instagram Account na siya ay may hawak na baril.

Ilang estudyante pa ang nakapag-post ng video sa kanilang Instagram habang nagaganap ang pamamaril.

Sa video na ibinahagi sa twitter ng netizen na may account name na ‘Cyanide’, makikita ang mga estudyante na pawang nakaupo, nakadapat at nakukubli sa loob ng isang silid aralan.

Dinig na dinig sa video ang magkakasunod na putok ng baril at hiyawan ng mga takot na takot na mag-aaral.

Hoy Tiroteó En La Escuela; today school shooting #stonemandouglas #parkland 😢☹️

A post shared by Alex Navas (@alex_navas65) on Feb 14, 2018 at 2:07pm PST

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 17 killed, Parkland Florida, Stoneman Douglas High School, Stoneman Shooting, 17 killed, Parkland Florida, Stoneman Douglas High School, Stoneman Shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.