LPA na dating bagyong Basyang, posbleng mabuo muli bilang tropical depression
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na dating si bagyong bagyong Basyang.
Huli itong namataan ng PAGASA sa 240 kilometers South Southeast ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Ayon sa PAGASA, hindi pa rin nila inaalis ang posibilidad na ito ay lumakas pa ulit at bumalik bilang isang tropical depression.
Apektado ng nasabing LPA ang buong Palawan na makararanas pa rin ng pag-ulan ngayong araw.
Habang Northeast Monsoon naman ang naka-aapekto sa extreme Northern Luzon at Tail End ng Cold Front naman sa eastern section ng Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.