P30-m ayuda para sa mga Mayon evacuees ipinamahagi ng PCSO

By Justinne Punsalang February 15, 2018 - 02:35 AM

 

Kuha ni Jan Escosio

Ibinigay na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lokal na pamahalaan ng Albay ang P30 milyong cash assistance para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ay kasunod ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng PCSO at pamahalaang panlalawigan ng Albay, kasama ang mga alkalde ng mga apektadong bayan at lungsod.

Kabilang dito ang mga bayan ng Malilipot, Bacacay, Santo Domingo, Daraga, Camalig, at Guinobatan, at ang mga lungsod mg Tabaco, Ligao, at Legazpi.

Ayon kay Mayon crisis manager Francis Tolentino na sa ilalim ng nasabing MOA, gagamitin ang pondo para sa pagkain, supplies, sanitation, health, at iba pang mga pangangailangan ng mga nagsilikas na mga pamilya sa iba’t ibang evacuation centers sa Albay.

Dagdag pa ni Tolentino, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang humiling ng karagdagang tulong pinansyal upang punan ang paubos nang pondo ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Mula sa naturang halaga, P12 milyong ang mapupunta sa lalawigan ng Albay. Habang maghahati-hati naman ang anim na mga bayan at tatlong mga lungsod sa natitirang P18 milyon.

Samantala, nagpalabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P62 milyon para sa Cash for Work program ng kagawaran. Sa ilalim nito, makakatanggap ng P290 kada araw ang mga bakwit sa loob ng sampung araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.