Kauna-unahang mambabatas na transgender, isa na ring miyembro ng AFP

By Jay Dones February 15, 2018 - 01:57 AM

 

DND photo

Isa na ring reservist ng Philippine Army ang kauna-unahang mambabatas na transgender woman sa bansa na si Rep. Geraldine Roman ng Bataan.

Sa isang seremonya na ginanap sa Kampo Aguinaldo kahapon, pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang paggawad ng ranggo kay Roman bilang miyembro ng Reserve Force ng AFP.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Roman na hindi kumikilala ng anumang uri ng kasarian ang mga kalamidad at trahedya kaya’t nagpasya itong sumali Reserve Force.

Si Congresswoman Roman ang kauna-unahang transgender na na-komisyon ng Armed Forces of the Philippines.

Bukod kay Roman, ilan pa sa kilalang personalidad na kasapi ng Reserve Command ay sina Senador Manny Pacquiao at Sen. Loren Legarda.

Una nang naitala sa kasaysayan si Roman bilang kauna-unahang transgender na nahalal sa puwesto sa Kongreso sa Pilipinas noong 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.