Pilipinas papangalanan na rin ang mga undersea features sa Benham Rise
Papangalanan na rin ng Pilipinas ang mga undersea features sa Philippine Rise o Benham Rise na una nang napangalanan ng China.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kanila nang pag-uusapan ng National Security Adviser at mga miyembro ng Gabinete ang naturang hakbang sa lalong madaling panahon.
Matatandaang naungkat ang naturang isyu nang madiskubre na naiparehistro na ng China noong nakaraang taon sa International Hydrographic Organization ang mga Chinese names na ibinigay nito sa limang undersea features sa Benham o Philippine Rise.
Gayunman, kinontra ng Pilipinas ang naging hakbang na ito ng China na anila ay malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.
Taong 2012 nang kilalanin ng United Nations ang Benham Rise bilang bahagi ng EEZ ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.