Nagbigay ng panibagong deadline ang Kamara para amyendahan ang Saligang Batas.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, hihintayin muna nila ang resulta ng ginagawang pag-aaral ng binuong consultative committee ni Pangulong Rodrigo Duterte bago tapusin ang chacha sa susunod na taon.
Sinabi ni Alvarez na inatasan din niya ang House Committee on Constitutional Amendments na huwag munang isara ang ginagawang pagdinig ukol sa chacha.
Ito ayon sa pinuno ng Kamara ay sapagkat pag-aaralan muna nila ang magiging rekomendasyon ng consultative committee na pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno.
Posible aniyang isama sa kanilang bersyon ng chacha ang magiging proposal ng consultative committee.
Anim na buwan ang ibinigay ng pangulo sa consultative committee upang pag-aralan ang pagpapalit ng Saligang Batas.
Nauna ng itinakda ng Kamara na matapos ang charter change sa Mayo 2018 kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.